Regine sumabog na: Lumipat lang ako ng network hindi ako pumatay! | Bandera

Regine sumabog na: Lumipat lang ako ng network hindi ako pumatay!

Ervin Santiago |October 30,2018
facebook
share this

Regine sumabog na: Lumipat lang ako ng network hindi ako pumatay!

Ervin Santiago - October 30, 2018 - 04:47 PM

SUMABOG na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez!

Isang mahabang open letter ang ipinost niya sa Instagram para sa kanyang mga hater at basher na patuloy ang pang-aalipusta sa kanya at idinamay pa ang asawang si Ogie Alcasid at anak na si Nate.

Ang feeling ng mga followers at fans ni Regine, ito rin ang sagot niya sa mga malilisyosong komento matapos lumabas ang rating ng ASAP at Gandang Gabi Vice kung saan siya unang napanood bilang isang Kapamilya.

Sa datos ng AGB Nielsen, mas mataas ang nakuhang rating ng mga Kapuso show na Sunday PinaSaya at Kapuso Mo, Jessica Soho at Sunday Night Box Office na siyang nakatapat ng dalawang ABS-CBN program kung saan nag-guest si Regine.

Narito ang laman ng open letter ng Songbird, “Dear bashers, I’m truly happy for GMA Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy.

“But just a suggestion total sinasabi nyong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan nyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty (apparently 20 years can not be considered being loyal) na muka akong pera. Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son.

“Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao. Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and i have great memories being a Kapuso.

“Tutal naman po nayurakan nyo na ng bonggang bongga ang pakatao ko na parang bang may nagawa akong masama sa inyo personally.

“You guys obviously HATE me gets ko na po. Gets ko rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS tanggap ko na po yun at wala naman pong pilitan ito.

“Free TV po ito walang bayad we are all here to provide you entertainment FOR FREE!!!! So sa madaling salita kayo ang panalo dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagmamahal Kapamilya Regine.”

Bago ito, nagbanta na ang Songbird na kakasuhan ng cyberbullying ang mga netizens na walang ginawa kundi ang bastusin at alipustahin siya nang dahil lang sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending