Good day doc. Ask ko lang ano gamot sa depression? I tried to kill myself kc everyttime naaalala ko mister ko na nang iwan sa akin naiisip kong magpakamatay. Help me please, thanks. — Cherry, Davao, …6708
Wala tayong karapatan na kitilin buhay natin kasi hindi naman natin pag-aari ito. Pwede kang sumulat sa Radyo Mediko, Medically Yours segment para matugunan natin ang problema mo nang husto. O kaya tumawag ka sa Radyo Mediko para masagot natin ang mga iniisip mo. Salamat. Hintayin ko ang tawag mo.
Doc, magandang hapon po, may katanungan po ako pano malalaman na toxic ka kung may goiter ka? Tapos doc, bakit ang mga mata ko ay nanlalabo parang may ulap siya. Thanks and God bless. – Dorothy Pineda Saborboro, 32, Mabalacat City, …5406
Magpakuha ka ng blood test- T3, T4, TSH. Magpatingin sa Ophthalmologist.
Good day, Dr. Dineros! ako si Michelle. 23 yrs. old, ng Bacong, Negros Oriental. Noong 2010 nagpa check up ako sabi ng doctor ay may tyroid toxic ako. Pinagbawalan nya akong kumain ng seaweds at mga hipon at iba pa na nasa dagat. Binili ko ang gamot na nereseta nya. Pero di halata na may toxic ako, kasi kung tignan parang normal lang naman ang leeg ko. October 2012 ay isinilang ko ang baby ko pero pagkatapos ng panganganak ko ay lumaki ang leeg ko. Ano po ito, at ano ang lunas, at dapat kong gawin? Tnx.. — …6554
Magpakuha ka ulit ng THYROID FUNCTION TEST (T3,T4,TSH) at THYROID ULTRASOUND para matugunan nang husto ang tanong mo. Mahirap kung wala tayong pagbabasehan na test. Sa ngayon, umiwas ka pa rin sa mga pagkain na ipinagbawal sa iyo dati ng iyong doktor.
Doc, tan0ng ko lang po minsan nahihirapan ako huminga, hinihingal ako, sumasakit dibdib ko. Ano po ibig sabihin nito? – Renrose, Butuan, …0678
Posibleng muscle ache lang yan o posible rin namang may sakit ka sa puso o baga. O kaya naman ay hindi ka lang physically fit, mataba at kulang sa exercise.
Good pm doc wala bang bad effect ang pils sa kalusugan ng asawa ko? — …3459
Wala namang malala na kumplikasyon ang contraceptive pills. Huwag mag-alala.
Good pm Doc.:-) anu po bang gawin pra pumuti ung kili-kili?..hindi na kasi ako makapagsuot ng mga sleeveless na damit. Ano po bang dapat gawin? -Nia 21, Manila, …8766
Subukan mong gumamit ng underarm bleaching creams, maraming available sa pharmacy at dermatologists.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.