NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa pagkakaroon ng storm surge sa mga lalawigan sa norte dahil sa bagyong Rosita.
Sa inilabas na advisory ng PAGASA, sinabi nito na maaaring lumikha ng hanggang tatlong metrong taas na alon ang bagyo.
“Storm surge of up to 3 meters is possible over the coastal areas of Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Sur, Ilocos Norte and La Union,” saad ng PAGASA. “Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not to venture out over the seaboards of areas with TCWS and eastern seaboards of Southern Luzon, Visayas, and Mindanao.”
Ang bagyo ay inaasahang magla-landfall bukas ng umaga sa Isabela-Aurora area.
Dadaanan nito ang mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Quirino, Ifugao, Nueva Vizcaya, Benguet at La Union bago lumabas ng kalupaan bago mag-gabi.
Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon, ang bagyo ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng gabi.
Ngayong araw, ang bagyo ay umuusad sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa bilis na kanluran-timog kanluran. Mayroon itong hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.