TATLONG malalaking kwento ang nasa isip ng mamamayan ngayong Lunes.
Una, ang bagyong Rosita na inaasahang maglalandfall sa pagitan ng Northern Luzon at Central Luzon sa Martes ng umaga.
Ikalawa ang malaking oil price rollback ng mga kumpanya ng langis bukas dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng Dubai Crude sa Mean of Platts-Singapore (MOPS).
At Ikatlo na masasabing mas importante dahil abot-sikmura, ay ang pagpa-patupad ng “suggested retail price” ng bigas dito sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Trade and Industry at Agriculture, ang local regular milled rice ay P39/kg, local well milled rice-P44/kg at local premium grade rice ay P47/kg.
Sa mga bigas na imported, ang well milled rice ay P39/kg, premium grade 2 ay P40/kg, at ang premium grade1 ay P43/kg. Ang “special rice” ay walang SRP dahil ang mga presyo nito’y naglalaro sa P50 hanggang P80 bawat kilo.
Ibinebenta pa rin ang NFA rice na imported sa P27/kg samantalang ang NFA imported premium rice na tinawag na “bigas ng masa” ay P36/kg.
Lahat ito’y inilunsad noong Sabado sa Commonwealth market sa Quezon City. Kung susuriin, mas mahal ng P5 ang “local well milled” kaysa sa “imported” ganoon din ang local premium grade na mas mahal ng P4. Ito’y maliwanag na pabor sa mga lokal na magsasaka lalo’t matagal na silang bi-nabarat ng mga “traders”.
Pero sa obserbasyon ng Laban Konsyumer Inc sa pangunguna ni Atty Victor Dimagiba, mas mababa ang presyo ng local “regular miled rice” na P40 lamang sa Fairview-Rega-lado Wet market kahit ang SRP ay P44 kada kilo.
Ito na kaya ang magi-ging kalakaran kung saan bababa ang presyo ng bigas dahil sa bumabahang suplay mula importasyon at anihan?
Isa pang inaabangan ko rito ay itong “labelling” ng mga binebentang bigas sa mga retail at wholesale outlets.
Talagang kailangan nating malaman ang pinanggalingan ng kinakain nating bigas, hindi lamang sa isyu ng kalusugan kundi upang masawata na rin ang “smuggling”, “repacking” o buriki na dati nang mga kalakaran.
Simula sa katapusan ng Disyembre, wala na raw mga pekeng pangalan sa mga bagong sako ng bigas.
Kailangang matukoy sa sako o sa “vacuum bag” ang pangalan ng pinanggalingan ng bigas, sinong magsasaka, miller, maging ito’y local o imported galing ng Vietam, Thailand o Pakistan.
Bawal na rin ang mga “fancy names” tulad ng Sinandomeng, Dinorado, Angelica, Yummy rice at iba pa. Sa kabuuan, nasa tamang direksyon, sa palagay ko ang DA at DTI dito.
Pero ang paghataw sa mga tiwali at walang pusong rice manipulators ay sa November 10 pa magsisimula. Ito’y dahil sa 15 days publication na rekisitos sa implementasyon ng SRP na inisyu nito lamang Biyernes, Oct. 26.
Mabigat ang mga parusa, bukod sa tanggal lisensya, at multang mula P2K hanggang P1M sa ila-lim ng Price Act, meron ding kulong na apat na buwan hanggang apat na taon.
Pero, ang pinakamala-king tanong, totohanin kaya nina Agriculture Sec. Manny Piñol at Trade Sec. Ramon Lopez ang pagpapakulong mga lumalabag sa batas ng SRP at Price Act? O baka papogi points lang ng administrasyon?
Rosita, rollback at SRP sa bigas
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...