Desisyon sa wage hike ilalabas na- Palasyo

 

TINIYAK ng Palasyo na malapit nang ilabas ang desisyon kaugnay ng mga panawagan para maitaas na ang minimum wage sa bansa sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at ang napipintong implementasyon ng P10 minimum fare sa jeepney ngayong Nobyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na minamadali na ng regional wage board ang mga pagdinig kaugnay ng mga petisyon para sa umento sa sahod.

“The National Wages and Productivity Commission (NWPC) is now conducting public hearings between employer groups and workers and we hope a decision, which is acceptable to both parties, would be made soon,” sabi ni Panelo.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na patuloy na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan para mapababa ang inflation sa bansa.

“For the time being, the government ng has decisively acted to tame inflation. Our people are beginning to feel the effects with the price of rice starting to go down, and just yesterday, the Suggested Retail Price (SRP) program and prescribed labelling for milled rice have been launched by the Department of Agriculture and the Department of Trade and Industry to protect consumers from profiteers,” dagdag ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo, patuloy na naka-monitor ang Office of the President, kasama ang mga kaukulang ahensiya para matiyak na maibsan ang epekto ng mas mataas na inflation sa mga Pinoy.

The Office of the President, together with the relevant agencies of the government, will closely monitor inflation to ensure that our economy will continue to be advantageous to the Filipino people,” ayon pa kay Panelo.

Read more...