Ateneo Blue Eagles nadagit ang Final Four playoff berth

Mga Laro Linggo (Oct. 28)
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. UE vs UST
4 p.m. Adamson vs UP

SINANDALAN ng Ateneo de Manila University ang matinding panimula at career-high tying game ni Ferdinand “Thirdy” Ravena para makadagit ng Final Four playoff spot matapos tambakan ng Blue Eagles ang National University Bulldogs, 79-64, sa kanilang UAAP Season 81 men’s basketball game Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Bunga ng panalo, nadagit ng nangunguna sa liga na Blue Eagles ang ikaapat na direstong panalo para umangat sa 9-2 record.

Nalaglag naman ang Bulldogs sa 3-7 kartada para mahulog sa ikapitong puwesto at nalagay na sa alanganin ang tsansa ng NU na makapasok sa Final Four.
Sinimulan ng Ateneo ang laro gamit ang 10-0 ratsada at hindi na lumingon pa ang defending champion mula rito.

Tinapatan ni Ravena ang kanyang career-high na 23 puntos at humablot din siya ng 12 rebound para pangunahan ang Blue Eagles.
Nagdagdag naman si Angelo Kouame ng double-double sa ginawang 19 puntos at 17 rebound.

Pinamunuan ni John Lloyd Clemente ang NU sa itinalang 25 puntos habang si Dave Ildefonso ay nag-ambag ng 13 puntos.

 

Read more...