‘Pizza girl’ na-shock sa paandar ni Jericho

JERICHO ROSALES

Akala ng isang female fan ni Jericho Rosales ay isnabero ang bida ng TV series na Halik.

Nakita kasi niya sa mall ang actor. Since nagbabantay siya ng kanilang tindang pizza, ni-request niya kay Echo na magpa-picture.

“Jericho, puwede magpapicture?” the female fan asked.

“Wait ate may hinahanap lang ako na store,” Echo replied.

“Okay po,” said the female fan, obviously disappointed.

After 30 minutes, she was surprised when Echo came and said, “Tara na ate, picture na tayo.”

“OMG! Binalikan nya ko! Hahahaha.”

Tuwang-tuwa ang fans ni Echo nang mabasa nila ang post ng female fan.

“Totoong tao yan si idol Echo, way back nakasama namin sa surfing spot sa La Union si idol inabutan namin ng tagay si Echo hindi kami napahiya tagay lang sya walang selan sa katawan si Echo!!!”

“Mukha pa nga lang mabait na. Stay as what u are echo maraming nagmamahal sayo. isa na ako.”

Incidentally, nag-trending ang eksena ni Echo sa Halik kung saan nahuli niya ang asawa niyang si Jade (Yam Concepcion) na nakipaghalikan kay Ace (Sam Milby). The episode earned its all-time high national

TV rating na 27.1% ayon sa Kantar Media.

Puring-puri si Echo ng televiewers dahil ang galing niya sa eksenang iyon.

Read more...