DA who ang isang opisyal na bago pala umalis sa pwesto ay isa nang signature campaign sa buong bansa ang inilunsad laban sa kanya?
Ayon sa source, hindi lang pala sa central office ng ahensiya na dating kanyang kinabibilangan ang nagsagawa ng petisyon na nananawagan kay Pangulong Duterte na sibakin na siya sa katungkulan.
Nagsumite rin ng kani-kanilang petisyon ang kada rehiyon sa buong bansa na sumusuporta na umalis na siya sa gobyerno.
Balitang ayaw ng mga empleyado rito dahil sa hindi maayos ang pakikisama ng ex-official sa kanyang mga ka-trabaho.
Bago pa man maisumite sa Malacañang ang mga petisyon para sa kanyang pagbibitiw, inunahan na niya ito at tuluyang nag-resign.
Kilala nyo na ba ang tinutukoy ko? Clue, tanungin na lang natin ang nagpasimuno ng petisyon na kasama niya sa departamento.
Isa pang blind item, balitang-balita ngayon na ang mismong pumalit sa isa pang opisyal ng gobyerno ang nagpakalat na nagbitiw na siya sa pwesto dahil atat na itong umupo sa iiwanang katungkulan ng isa pang ex-official.
Ipinarating kasi nito kay Pangulong Duterte na tuluyan nang nag-resign ang opisyal, sa kabila ng naunang pahayag nito na magbabakasyon lamang sa ibang bansa.
Ang ending, pagbalik niya wala na talaga siyang babalikan dahil nakaupo na ang pumalit na opisyal at may inilabas ng appointment.
Kaya pala, habang magkakasama noon, ginapang na pala ni Mr. Official ang posisyon at nakakuha na ng papel para sa kanyang pag-upo.
Ang ending, naisahan ang nawalang opisyal.
Gusto nyo ba ng clue? Inaabangan ang bagong opisyal, hindi dahil sa kanyang ihahayag kundi sa kanyang kasuotan.
Kilala kasi ang opisyal sa kanyang kakaibang istilo ng pananamit bagamat hindi matatawaran ang klase ng kanyang suot mula sa kanyang terno at sapatos dahil mga branded talaga ang mga ito.
‘Yun nga lang, kakaiba ang tipong kulay ng opisyal na bagay naman sa kanyang edad, bagamat hindi mo gugustuhing gayahin.
‘Yun na!