Tuluy-tuloy na ang taping ng bagong primetime series ng GMA 7 na Cain At Abel starring Dingdong Dantes and Dennis Trillo.
Sa isang Instagram post ni Dennis, mapapanood ang isang buwis-buhay na eksenang ginawa niya sa taping ng serye somewhere in Sta. Cruz Laguna. Tumalon ang Drama King sa tulay nang makorner ng mga humahabol sa kanya.
Tinanong ng netizen kung siya ba talaga ang tumalon sa tulay, sagot ni Denis, “Siniguro ko namang wala ng mga ta** pagtalon ko.”
Sunod na question ng netizen kung ano raw ang lasa ng tubig sa ilog, tugon ng binata, “Lasang tubig na hinaluan ng ta** at ihi.”
Pero sa isa pang IG photo ni Dennis kung saan makikitang nakaahon na siya sa ilog, sinabi nitong, “Malinis siya promise!”
MOST READ
LATEST STORIES