OPM Hitmen walang kupas, astig pa ring mag-perform

RENZ VERANO, RICHARD REYNOSO, RANNIE RAYMUNDO AT CHAD BORJA

Ngayong gabi na ang concert ng The OPM Hitmen sa Music Museum. Dumating man ang bagyo o lumihis ay wala nang makapipigil pa sa grupong kinabibilangan nina Richard Reynoso, Renz Verano, Chad Borja at Rannie Raymundo para magbigay ng makabuluhang gabi para sa kanilang mga tagasuporta.

Ibang klaseng mag-perform ang The OPM Hitmen, kung mag-show sila ay parang ‘yun na ang pinakahuling pag-akyat nila sa entablado, lalo pang magiging maganda ang kanilang show dahil sa Asia’s Diva na si Dulce na special guest nila.

Pinaghandaang mabuti ng grupo ang show ngayong gabi. Hindi pa rin mawawala siyempre ang mga kantang pinasikat nila pero puro bagong areglo na ang kanilang gagamitin.

Komento ni Richard Reynoso, “Hindi naman po kasi puwedeng paulit-ulit lang ang atake namin sa lahat ng mga shows. Magsasawa ang audience kapag ganu’n. Dapat talagang mag-level up kami para madalas man silang manood ng mga shows namin, e, iba ang pinakahuli nilang mapapanood.

“Kaming apat talaga ang nag-iisip ng mga bagong production numbers namin, palaging collaboration ng grupo ang napagkakasunduan,” kuwento ng magaling na OPM singer.

Ang “The OPM Hitmen, Live!” ay mapapanood ngayong gabi sa Music Museum kasama ang Asia’s Diva na si Dulce. Maraming salamat sa mga sponsors ng concert na palaging nakasuporta sa Backstagepass Productions sa paghahandog ng magandang palabas.

Maraming salamat kina Tita Dolly Salcedo at Jeff Oreta (Baliwag Lechon Manok-Liempo), Judge Eugene Paras at Attorney Nuel Gatcho (Nuel Café’), Elmer Ngo (Mileage Asia Corporation at Elm’s Kapihan & Bar), Roi de Leon (Livergold ng Better Option Pharmaceutical, Inc.), David Chan at Abel Cambe (Black Beauty Shampoo & Conditioner ng Manyip Corporation), Mama Fely dela Cruz (People’s General Insurance) at kina Tito Henry at Tita Lily Chua (Lucky 7 Koi Productions).

Read more...