Isa ang international Pinay singer na si Lea Salonga sa mga kilalang celebrities na sumusuporta sa pagkakaroon ng same sex marriage sa bansa.
Sa kanyang socia media accounts, tuloy ang pagsusulong ni Lea sa mga karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ community, isa na nga riyan ang hayagang pagsuporta sa pagpapakasal ng magkaparehong kasarian.
Nag-post sa kanyang Instagram account ang singer-actress ng quote card kung saan nakalagay ang mga katagang, “Trans rights are human rights.” Kasabay nito, nag-tweet din siya ng pagpabor sa same-sex marriage, “I often wonder if I’ll ever see same sex marriage legalized in my country in my lifetime. May pag-asa pa kaya? Hmmm…”
Ngunit isang netizen ang nag-comment sa tweet ni Lea at kumontra sa same sex marriage. Anito, “For pragmatic purposes and in the spirit of harmonious coexistence, I’m not for redefining the definition of marriage in our country or forcing Churches or pastors to marry same-sex couples.”
Na sinagot naman ni Lea ng, “Oh, I was speaking secular only. Not religious. Hence the term ‘legalized.’’’