Kilalang aktor, manager hindi na nag-uusap; may silent war

Curious kami kung may silent war ang kilalang talent manager at ang alaga nitong aktor. Matagal na raw silang hindi nag-uusap simula nang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang manager at ang ilang bosses na kunektado sa TV network.

Sa tuwing nakikita kasi kami ng aktor ay lagi niyang kinukumusta ang talent manager niya kaya nagtataka kami kung bakit kami ang tinatanong? Wala rin kaming balita kung anong latest sa manager dahil hindi na rin ito nagpaparamdam.

Sa pagkakaalam namin ang manager ang nakadiskubre sa aktor na lumaki na ang pangalan ngayon kaya nakakapagtaka kung bakit wala na silang komunikasyon.

Parating nagbabasa ng BANDERA ang manager ng aktor kaya sigurado kaming mababasa niya ito at sana’y magparamdam naman siya.

Read more...