“Tell me who is this guy asking for money, extortion. I will call him here, I’ll have him arrested, kaya iyang si Guban pinapa-aresto ko,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacañang.
Kabilang si Guban sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na iniuugnay sa droga na umano’y ini-smuggle gamit ang mga magnetic filter, na natagpuan sa Cavite.
“Sabi ko, right after the session, you arrest him. Sabi ni Albayalde, ‘What ground?’ … Just arrest him, bring him to the NBI. Huwag kayo kasi kayo, na-mention kayo diyan sa investigation. Bring him to the NBI,” dagdag ni Duterte.
Natakatalaga si Guban sa Intelligence and Investigation Service ng BOC.