HINDI ang mga militanteng grupo kundi si Pangulong Duterte umano ang dapat na pagsabihan ni Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa Gabriela Women’s Party nag-aaklas ang mga mamamayan dahil mayroong mali sa ginagawa ng gobyerno.
“Isn’t her father, President Duterte, the one terrorizing, engendering lawlessness, disrespecting fellow human beings and putting lives in danger? Hindi ba’t ang kanyang tatay ang nag-utos na pumatay nang pumatay, nambastos sa mga kababaihan at nagdeklara ng halimaw na batas militar sa Mindanao?” ani Bai Ali Indayla ng GWP–Mindanao.
Nanawagan si Mayor Sara na huwag iboto ang mga partylist group na may kaugnayan sa Makabayan bloc.
Sinabi ni Indayla na humarang ang mga militante dahil hinarang umano ng mga pulis at sundalo ang mga ito papunta sa isang labor conference.
Naniniwala si Indayla na hindi ‘stupid’ ang mga botante upang pakinggan ang panawagan ng presidential daughter.
“Inday Sara’s delusional campaign against Makabayan will not work on stomachs emptied by his father’s TRAIN Law and economic mismanagement, nor on ears which have grown deaf and pained by mothers’ wails over husbands and children killed under his father’s bloody anti-drug war.”
Si Indayla ang ikalawang nominee ng Gabriela sa 2019 elections.