BUMILIS ang bagyo na may international name na Yutu habang lumalapit sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay umuusad na ngayon sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
Ngayong umaga ang lokasyon nito ay 2,555 kilometro sa silangan ng Visayas.
Mayroon itong hangin na umaabot sa 160 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong 195 kilometro bawat oras.
Posible namang pumasok na sa weekend ang Hanging Amihan na magpapalamig sa temperatura ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.