May insecurity raw si ate | Bandera

May insecurity raw si ate

Beth Viaje |October 24,2018
facebook
share this

May insecurity raw si ate

Beth Viaje - October 24, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ewan ko ba kung bakit feeling ko ay masyadong insecure sa akin ang ate ko.

Mas maganda naman siya at matalino. Ang kaso, wala masyado nanliligaw sa kanya at hindi naman sa pagmamayabang, I have a handful of suitors.

Nagkaproblema kami ni sister ko kasi yung best friend niya na alam ko ay gusto na rin niya ay pumuporma sa akin.

Medyo natitipuhan ko na rin siya pero di ko alam kung pano ito idi-deal sa kapatid ko.

Help me naman.

— Miss Awesome

Dear Gorgeous…ay Miss Awesome pala! Yaman din namang pila-pila ang mga manliligaw mo, baka naman ibalato mo na kay sister ang nag-iisang napupusuan niya.

Siguro naman hindi naman love of your life yung lalaking best friend ng ate mo? At siguro naman ay hindi rin seryoso talaga yung pagkatipo mo kay manliligaw.

‘Yun naman ay kung kaya mo lang gawin iyon para sa kapatid mo para maiwasan na ang mala-teledramang sitwasyon na pwedeng mangyari sa inyong dalawa ng ate mo.

Para hindi na rin kayo maging magkaribal at maiwasan ang sibling rivalry. Huwag na kayong makisama pa kina Abby at Junjun Binay, at Jinggoy Estrada at JV Ejercito na magkaribal din dahil naman sa pulitika.

Pero kung hindi mo naman kaya, sabihin mo sa kanya. Tanungin mo sya kung ok lang ba sa kanya na magkaron ka ng relasyon sa bestfriend nya na alam mong nagugustuhan nya.

More than anything, i-settle ninyo ni ate ang diperensya ninyo.

Lalaki lang ba ang sisira sa inyong relasyon bilang magkapatid? Lalaki lang ba ang magiging dahilan para magkalayo kayo ni ate?

Sana man lang mapag-usapan ninyo, ano ba ang puno’t dulo ng insecurity ni ate at kahanginan mo, hehehe.

Baka naman feeling mo lang na insecure si ate sa yo dahil feeling mo super ganda mo.

Alam mo yun, minsan wala namang ginagawa yung tao laban sa atin but she rubs us the wrong way. So mag-usap kayo bilang magkapatid, bilang magka-ibigan, bilang mga babae na pwede namang umiwas sa away, inggitan at further na gulo. Gets mo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso, relasyon sa asawa, anak, pamilya, kaibigan o katrabaho? Aba’y i-text na iyan sa 09156414963 o sa 09275373810 at tiyak na may sey diyan si Ateng Beth.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending