Horoscope, October 24, 2018 | Bandera

Horoscope, October 24, 2018

Madam Sophia - October 24, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kakaibang pag-ibig ang mararanasan. Mag-ingat sa imoral pero nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha.” Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Fire o init ang elementong taglay ng Aries. Ang negosyong kandila ang mag-aangat ng kabuhayan patungo sa pag-unlad ngayong Halloween season. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang Leo. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Pink at blue ang buenas

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansiyal, ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyo na malimit magkasalan. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Purple at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Hindi masamang humingi ng tulong! Kung sadyang nagigipit, humingi ng tulong sa isang Aquarius, hindi ka niya kayang tanggihan. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang alalahanin, malaki ang maitutulong niya. Mapalad ang 5, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ang dagdag na suwerte at kaligayahan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang kadugong nangangailangan upang lalo kang suwertehin sa aspetong pampinansyal. Sa pag-ibig, naiinip nang naghihitay ang isang Capricorn, pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 3, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat ay may magandang kapalarang naghihintay. Sa pananalapi, higit kang kikita ng malaking halaga sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Gold at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Isang maikli ang buhok at cute ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Siya rin ang mahiwagang nilalang na lulutas sa iyong mga problema. Sa pag-ibig, kung paiiklian ang buhok ay higit kang magiging kaakit-akit. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Karma-Ashana.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Isang kaibigang may hatid na mabuting balita, isososyo ka niya sa isang produktong magpapaangat sa iyong kabuhayan – sunggaban ang minsang pagkakataon! Sa pag-ibig, isang dating kakakilala ang lihim mong makakarelasyon. Matamis at masarap na ugnayan ang mabubuo. Mapalad ang 2, 17, 29, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Orange at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pananalapi, lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimoralan. Sa pag-ibig, kasabay ng pag unlad ng kabuhayan, may darating na isang tapat at panghabambuhay na relasyon. Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mag-alaga ka nang kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sa iyong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang kuwintas na may disenyong ibon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Pink at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi mo maiiwas ang pagtaba at pagtaas ng timbang. Kahit umiwas ka pa sa pagkain dahil ang pagtanda at pagtaas ng timbang ay kasabay din ang pag-unlad ng kabuhayan. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ang panlabas na anyo ang nagpapaligaya, bagkus nasa looban ng puso! Sa pag-ibig, iwasang humanga sa mga magagandang babae o sa mga magagandang lalaki, kabiguan lang ang mahihita mo sa kanila. Sa pinansyal, tama ka, aanihin mo ang maraming-maraming pera kung bokya pa rin sa pag-ibig. Mapalad ang 3, 21, 18, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Om-Joviyo.” Blue at brown ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa-isantabi mo na ang puso, sa panahon ngayon salapi ang higit na mas mahalaga at dapat pahalagahan. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, Walang personalan!” Mint green at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending