Break-up nina Elmo at Janella pinagtawanan ng netizens

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

Break na pala sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Bakit, na-inform ba ang lahat na magdyowa sila in the first place? Hindi naman, ‘di ba?

Kaya naman Janella’s confession sa isang kapita-pitagang writer na hiwalay na sila ni Elmo had netizens laughing. Nag-break pero hindi inaming magdyowa? Usung-uso ‘yan sa showbiz.

With that, naging katawa-tawa ang dalawa sa netizens.

“Naku confirm na sya tapos hindi naman umaamin na sila ganyan talaga mga artista pag break up na lang malalaman.”

“Mabigat kasi Kamay ni Elmo, mapanakit akala mo pagmamay ari nya si Janella para saktan like may karapatan sya, Karma be Real!”

“Break agad pero hindi nagconfirm na naging sila. Hahahaha.”

“Janella magbalik tambalan na lang kayo ni Marlo Mortel please.”

“Hindi kasi nila hinintay na mag bloom ang love team nila at makilala nila isat isa bago naging sila. gaya ng JADINE inuna muna nila career till madevelop sila sa isa’t isa.”

 

Read more...