Actor-politician sinuway ang utos ng amang celeb, umanib sa kalaban

MUKHANG hindi lang sa isang malaking siyudad nagkakaroon ng problema ang magkakadugong pulitiko, may isa pang pamilyang hindi nagkakasundo ngayon, ang amang tinubuan na ng puting buhok sa mundo ng pulitika at ang kanyang anak na mukhang nagmamadaling maabot ang mataas na posisyon sa kanilang balwarte.

Para sa mga miron ay may katigasan ang ulo ng pulitikong anak, pinagpayuhan ito ng kanyang ama ng huwag makipag-tandem sa kanilang nakalaban nu’n, pero sumige pa rin ang actor-politician.

Kuwento ng isang source, “Mabilis makalimot ang actor-politician, malaki na siya nu’ng maglaban sa posisyon ang father niya at ang ka-tandem niya sa darating na eleksiyon.

“May mga nagpayo na sa kanya na huwag ituloy ang plano niyang kumandidato na katambal ang matinding kakontra nu’n ng father niya, pero wala siyang pinakinggan.

“Para sa mga nakakakilala sa kanilang pamilya, e, may kaangasan ang actor-politician, gusto niyang maabot agad ang pangarap niyang power, kesehodang kalabanin pa niya ang family niya,” simulang kuwento ng aming chikadorang source.

Dating nakarelasyon ng actor-politician ang isang magandang aktres, nagtagal din ang kanilang relasyon, pero sa hiwalayan din ‘yun nauwi.

Patuloy ng aming source, “Paano nga, hindi niya naman nabibigyan ng panahon ang girlfriend niya. Mababa pa lang ang hinahawakan niyang position nu’n sa city nila, pero halos du’n na lang umiikot ang buhay ng lalaki.

“May pinag-usapan silang date, maglalaan naman ng panahon ang girl, pero biglang hindi ‘yun matutuloy dahil may mahalagang meeting kuno ang actor-politician.

“Dahil palaging ganu’n ang nangyayari, nakipag-break na lang ang female personality sa actor-politician, para ano pa nga naman at magkarelasyon sila kung wala naman palang time para sa kanya ang boyfriend niya?

“Balitang hindi nagkikibuan ngayon ang actor-politician at ang daddy niya. Mapangarap ang lalaking ‘yun, may pagkasuplado pa, malayung-malayo ang ugali sa kanya ng mga kapatid niya na very humble at marunong makisama.

“Tsong, huwag kang masyadong nagmamadali, makinig ka naman sa payo ng mga taong mas may alam sa mundo ng pulitika kesa sa iyo,” nakataas ang kilay na chika ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito?

Read more...