Sigaw ng fans ni Maine: Bagay sila ni Arjo Atayde, hayaan n’yo na siyang lumigaya!!!

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

ILANG araw pa lang ang nakalilipas mula nang makitang magkasama sa isang restaurant sa Makati City sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ay heto’t muli na naman silang namataan sa Xylo at The Palace Bar nitong Sabado.

May isang netizen (@Djdeng) ang nag-tweet na nakitang sumasayaw-sayaw ang Kapuso star habang umiindak-indak naman ang Kapamilya actor.

Kung marami uling nam-bash kay Arjo ay marami rin kaming nabasang positibong komento mula sa thread ng isang entertainment portal. Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.

“Kung lumabas man sila eh ano naman, masama ba? Pareho naman silang single. Hindi ako fan ni Maine pero girl advice ko sa ‘yo, you should know when and when not to listen to your fans. Huwag ka magpadikta sa kung ano ang pwede mong gawin. Bata ka pa at successfull ka na. Masipag ka at halos walang enough rest sa pagttrabaho. Enjoy your life, explore meeting different people.

“Kinilig ako ha. Yes let Maine be happy. Wala ng pakialamanan sa lovelife ng tao outside the show.”

“She’s doing what any girls her age is doing wala naman syang sinasaktan so why so butt hurt?

“Bagay sila and much better than J. Happy for Maine! Keber sa mga bashers. ARDUB is real.”

“Grabe in 3 years 4 na guys na na-link sa kanya. iba ka Maine. Alden (Richards), Sef (Cadayona), Jake (Ejercito), Juancho (Trivino) and Arjo. That’s 5. Hahahaha!”

“Conyo laking mayaman at parehas mga hilig ni Maine at Arjo mas madami silang paguusapan.”

“Kasi sabi ng ADN (AlDub Nation) hindi daw totoo at edited lang ang pics regarding Arjo and Maine dating ang bar hopping. Sunod-sunod na gabi na iyan na inu-umaga sila sa dates nila.”

“I don’t think na friends or kasama nila yung nag post ng video. Nag IGS silang mag syota then nahagip lang si Maine and Arjo sa likod nila. So possible na silang dalawa lang ang nag date.”

Read more...