Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas na ang nanalo ay mahigit 30 taong gulang, may-asawa, at isang contractual worker.
Idinagdag ni Casaa na ayon sa nanalo, hindi umano niya kinuha ang premyo kaagad dahil tiniyak niya muna ang seguridad ng kanyang pamilya.
Plano niya na bayaran ang lahat ng kanyang utang.
Sinabi naman ni Bong Solmerin, PCSO deputy spokesperson sa Office of the General Manager, may dalawang kamag-anak na kasama ang nanalo ng pumunta main office ng PCSO sa Mandaluyong City noong Lunes. Ang nanalo ay 33-taong gulang.
Siya ay tumaya sa isang mall sa Legazpi City, Albay at nakuha niya ang winning number combination na 40-50-37-25-01-45.
Nag-uwi siya ng P472 milyong jackpot prize na kalahati ng jackpot prize matapos na bawasan ng 20 porsyentong buwis.
Noong nakaraang linggo ay kumobra na ang isa pang nanalo na tumaya naman sa Eastern Samar. Isa siyang tricycle driver.
Siya ay nangutang ng pamasahe para makarating sa Maynila at makuha ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.