Maraming nangnega at nam-bash sa TV host-comedian nang kumalat ang photo nila ni Imee na kuha sa airport ng Ozamiz City, Misamis Occidental last Sunday.
Sa Twitter post ng Study of RM makikita ang mga litrato nina Vice at Imee habang naglalakad na may caption na: “Bakit kaya balot na balot si Momshie @vicegandako kasama si Mareng Imee Marcos sa Ozamis City??? The down fall of the unkavogable star! Oh I forgot Vice and Bongbong history back in 2014.”
Nang makarating kay Vice ang issue, agad niyang nilinaw na hindi siya nagpunta sa Ilocos para iendorso ang kandidatura ni Imee o ng kahit sinong Marcos.
“May mga taong ginagalit ang mga sarili nila dahil sa kasinungalingang pinaniniwalaan nila na sila lang din naman ang may likha!” tweet Vice.
“Ok para sa mga fans ko na nagtatanong. Wala akong pakelam kung anung iteniraryo ni Imee Marcos sa Ozamis nung nakasabay ko sya sa eroplano.
“Nagpunta ko dun para mang aliw ng mga taga Ozamis City. Di para magendorso ng kahit sinong pulitiko. Di ako endorser ng mga Marcos!” pahayag pa ng Unkabogable Star.
Idinaan pa ni Vice sa biro ang huli niyang punchline para sa lahat ng naglagay ng malisya sa litrato nila ni Imee. Aniya, “So dahil sa picture na to supporter na agad ako ni Imee?! Di pa pwedeng supporter ako nung mamang naka puti dun sa likod?! Lol!”