Regine mainit na sinalubong ng mga Pinoy sa Sydney, Australia

REGINE VELASQUEZ

Bongga ang first ever appearance ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa ASAP stage mounted in Sydney, Australia.

Kinanta ni Regine ang hit single niyang “Dadalhin” nang live at kitang-kita sa audience ang pagkasabik sa kanya. Masigabong palakpakan ang sumalubong upon her introduction pa lang.

This is not surprising since talagang inaabangan ang performance ni Regine sa ASAP na siyang magiging regular venue niya for her musicality.

“I actually really miss having a variety show and be part of a whole group of singers singing and doing production numbers,” say ni Regine sa welcome presscon sa kanya ng Dos.

“ASAP is the first and I’m so excited because I’ll get to work with Sarah (Geronimo). Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Sarah. For the first time also, I’m going to do a sitcom. I’ve never done a sitcom before. I’m so excited kasi I’m gonna be working with my husband.

“Magiging judge rin ako ng Idol Philippines. First time ako magdya-judge,” say pa ng nag-iisang Songbird.

Read more...