Nora namigay ng pera habang nasa taping ng seryeng Onanay | Bandera

Nora namigay ng pera habang nasa taping ng seryeng Onanay

Ervin Santiago |October 23,2018
facebook
share this

Nora namigay ng pera habang nasa taping ng seryeng Onanay

Ervin Santiago - October 23, 2018 - 12:25 AM

NORA AUNOR

Kuhang-kuha sa video ang pamimigay ng pera ni Nora Aunor sa mga batang nakasalamuha niya habang nasa taping ng Kapuso series na Onanay.

Ang nasabing video ay ipinost sa Facebook ng isang Edgar Santos Ebro na nakakuha na ng napakaraming likes at comments mula sa mga netizens.

Caption ni Edgar sa kanyang FB post, @Nora Aunor on the set of ONANAY (October 19, 2018) Time: 5:32 pm. May nagsabi sa aking talent namimigay daw ng pera si Nora sa mga bata, sabi ko sayang diko nakita pero nuong bandang hapon nakita ko siya namimigay ng pera kaya di na ko nag-atubili kaya binidyo ko siya….HINDI KA LANG SUPERSTAR..ISA KA RING SAMARITANA.”

Mapapanood sa video ang pamamahagi ng tulong ni Ate Guy sa mga kabataang naninirahan sa lugar kung saan sila nagte-taping ng Onanay. Sabi nga ng ilang residente sa lugar, napaaga raw ang Pasko ng mga kabataan dahil kay Ate Guy.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang pagiging generous ng Superstar. Nais lang sigurong mag-share ng blessing si Ate Guy dahil sa tagumpay ng serye nilang Onanay na palaging winner sa ratings game. Napapanood ang teleserye sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending