“Mino-monitor lahat iyan ni Presidente,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panel sa isang pahayag.
Ito’y sa harap naman ng paninindigan ni Aquino na may lamang shabu ang mga natagpuang apat na walang lamang magnetic filter sa Cavite.
“Pero sa ngayon ang tingin ko diyan kung ako ang tatanungin, hindi na mahalaga kung sino sa kanila ang tama sa kanilang mga sinasabi. Ang mahalaga ngayon, assuming na may nakapasok at nagkalat, eh dapat gumawa tayo ng mga pagkilos upang masawata natin, mahuli natin, ma-raid natin iyong mga lugar kung saan nagtatago o itinago itong mga shabung ito,” dagdag ni Panelo.
Iginiit naman ni Panelo na dapat ay magpakita ng ebidensiya si Aquino kaugnay ng alegasyon.
“But you know, iyong sinasabi, iyan ay assuming na nalusutan nga. Ang sinasabi nga ni Presidente— Ay kailangan may hard evidence tayo. Hindi pupwede iyong nag-e-speculate ka lang.
Idinagdag ni Panelo na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
“At may tiwala naman siya doon sa dalawa. So, hintayin natin iniimbestigahan ngayon ng NBI,” ayon pa kay Panelo.