MRT/LRT beep card pwedeng pa-loadan sa ATM

mrt-lrt

INANUNSYO ng AF Payments Inc., ang operator ng beep tap-and-go payment system, na maaari nang magpa-load sa mga automated teller machine ng China Bank.

Nagagamit ang beep card sa pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit 3 at piling pampasaherong bus.

Tinatayang 100 China Bank ATM ang inisyal magpapa-loadan na matatagpuan malapit sa mga train stations at P2P bus terminals. 

Nilagyan ng beep sticker ang mga ATM na ito upang mabilis na makilala.

Maaaring mag-load ng mula P100 hanggang P10,000. Agad na madi-debit ang ini-load sa bank account at papasok sa beep card.

“Regardless of amount, each reload carries a minimal fee of P10, which will be waived on the fifth transaction within the same month,” saad ng pahayag ng AFPI.

Mayroong 5 milyong beep card sa merkado ngayon.

Read more...