NAGING emosyonal naman si Pokwang sa paglipat ni Regine sa Dos, inalala niya ang kabaitan nito noong mag-concert siya ilang taon na ang nakararaan.
Sa kanyang social media account, nag-post ng madamdaming mensahe ang komedyana. Aniya, “8 years ago nang mag-concert ako sa Aliw Theater ng tatlong gabi, nalaman mo na may concert ako kaya nag-presinta ka na ikaw ang isa sa guest ko”.
“Tinawagan mo agad ang sister mong si Miss Kakai para ayusin ang schedule mo, at eto pa mi hindi ka nag pa TF!! as in for the love.
“Thank you, thank you queen @reginevalcasid napaka busilak ng puso mo….. kaya napaka saya ko at kapamilya kana rin. Paaakkkk #welcome home kapamilya regine. God bless you more and see you around yeheeeyyyy!”
MOST READ
LATEST STORIES