Para sa may kaarawan ngayon: Isang malaking sopresang ang darating may kaugnayan sa salapi. Kapag maraming pera kailangang matututong magtipid upang hindi na uli kapusin. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 13, 22, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — ‘Wag regaluhan ng mamahaling bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga yong kayong dalawa lang sa tahimik na lugar. Sa pinansyal, tandaang ang nagagawa ng pag-ibig ay hindi kayang gawin ng pera. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 33, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maraming lihim na naiingit sa iyo at nagtatangkang ikaw ay siraan. Maging matatag! Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, laging i-priority ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — ‘Wag nang magplano ng kung ano-anong bagay. Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinaghandaang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero bigla ding mauubos – magtipid! Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi masamang sumunod sa mungkahi ng iba, kung ito ang ikapapanatag ng iyong kalooban. Sa tulong ng isang dating kakilala, kikita mas malaking halaga. Sa pag-ibig sundin ang kasuyo upang mapanatag na ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi dapat makipagkumpetensya sa mga kapit-bahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang upang umunlad. Sabihin sa kasuyo, “Wag kang mainggit sa mga kapit-bahay, magkakaron din tayo nyan!” Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Konsentrasyon ang susi para magtagumpay. Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate sa produktong pagkain. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang karelasyon upang magpatuloy ang ligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Om”. Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mahirap talagang ma-perfect ang isang relasyon, wala naman kasing perpektong tao. Kaya makuntento na lang sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Sa pinansyal, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Gemini. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Arjuna.” Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang pagiging matapat ang magbibigay ng pag-unlad. Laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong mabait baka sa bandang huli ikaw naman ang ma-isahan niya. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Pink at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag kimkimin ang lungkot na nadarama. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kakuwentuhan. Sa pinansyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Masosolusyunan ang probema kung hindi na uulitin ang dating mga pagkakamali. Sa pinansyal, maging maingat sa pagpili ng kasosyo. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Bene-Vivit.” White at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag isiping mahihirapan kang makahanap ng puhunan sa negosyong noon mo pa binabalak. Sa panahon ding ito kusang may mag-aalok upang masimulan mo na ang nasabing negosyo. Tanggap lang ng tanggap at laging magpasalamat kay Lord. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.