NU Bulldogs pinatumba ang UST Tigers | Bandera

NU Bulldogs pinatumba ang UST Tigers

Melvin Sarangay , |October 21,2018
facebook
share this

NU Bulldogs pinatumba ang UST Tigers

Melvin Sarangay - , October 21, 2018 - 06:38 PM

NU Bulldogs swingman Dave Ildefonso

NAHABLOT ng National University Bulldogs ang ikatlong panalo matapos daigin ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 69-61, sa kanilang UAAP Season 81 men’s basketball game Linggo sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Nanatili ang Bulldogs sa ikapitong puwesto sa team standings sa 3-6 record at pinutol ang 3-game winning streak ng Growling Tigers na nahulog sa ikalimang puwesto sa 4-5 kartada.

Bumida ang rookie na si Dave Ildefonso para sa NU sa huling bahagi ng laro matapos hayaan ang UST na burahin ang kanilang 11 puntos na kalamangan, 53-42, na naitala sa ikatlong yugto sa isang puntos, 59-58, sa kalagitnaan ng ikaapat na yugto.

Kumamada si Ildefonso ng limang puntos sa 6-0 ratsada ng Bulldogs para sa 65-58 bentahe  may 2:58 ang nalalabi sa laro.

Nagtala si Ildefonso ng 16 puntos para pamunuan ang NU habang sina Troy Rike at Issa Gaye ay nagdagdag ng 13 at 10 puntos,.

Nanguna naman si Renzo Subido para sa Growling Tigers sa ginawang 18 puntos habang sina Marvin Lee at Zach Huang ay nag-ambag ng 12 at 11 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending