JAKE sa laplapan nila ni EUGENE: Masarap naman siya!

SA July 17 na mapapanood ang mabubusing pelikula ng Skylight Films, ang kontrobersyal na “maindie” (mainstream-indie) drama movie offering na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Jake Cuenca, Empress, Leo Martinez, at Eugene Domingo – ang “Tuhog”.

Ayon sa Cinemalaya award-winning director na si Veronica Velasco, naging “very fulfilling” ang experience niya sa paggawa ng “Tuhog” dahil sa kakaibang challenge na ibinigay nito sa kanya bilang writer at direktor.

“On a scale of 1 to 10 as how proud I am about this film? I can say na 12 kasi ang hirap-hirap gawin ng pelikulang ito. Actually, hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako na nagawa namin siyang tapusin in 23 days despite all the logistical nightmares,” sabi ni Direk Ronnie.

“Nu’ng sinusulat namin ito ni Jinky Laurel, it seemed like a good idea on paper but getting it on the screen, ibang kuwento ‘yun! Ito na siguro ang pelikulang pinaka-proud ako kasi hindi ko akalain na magagawa ko siya,” dagdag nito.

Ibinahagi pa ni Direk Ronnie na dati pa niya naisip ang kwento ng “Tuhog” at laking pasalamat niya na nagustuhan ng Skylight Films ang ideya.

“Nasa isip ko na siya early 90’s pa kasi I came across this tabloid picture na may several bus passengers na nasaktan dahil sa isang freak road accident,” aniya.

“From the start, it was a challenge to pitch, to produce, and to write this movie. Kapag iisipin mo kasi, it’s about a bus accident, so ano ba ito? Horror? Pero hindi. It’s a daring drama movie about family na seryoso ang tema pero mag-e-enjoy ka.”

Dito rin mapapanood ang umaatikabong kissing scene nina Eugene at Jake, sabi nga ng aktor, “Parehas kami nailang sa totoo lang. Parehas kami pero we hit it off right away.

Day one pa lang, parang naging magkaibigan na kami agad and before this movie I never really met her. “Siyempre magsyota kami dito, ano ba ginagawa ng mag-syota?

Ha-hahaha! Alangan naman nag-ho-holding hands kami sa buong pelikula. Tsaka masarap naman! Ha-hahaha!” sabi pa ni Jake.

Read more...