Matagal nang hindi nagkakasama sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro sa anumang project. Years ago, sila ang palaging pinagsasama sa Goin’ Bulilit.
Napasabak agad sina Sharlene at Nash sa fight scene sa first shooting ng “Class of 2018”.
“First day ko action scene kaagad ang ipinagawa sa akin. ‘Yun ‘yung pinakamahirap na pinagawa sa akin ni direk. Parang unang shoot pa lang, biglang ang bigat agad ng scene,” say ni Sharlene.
Someone asked Nash kung naseseksihan siya kay Sharlene kasi sobrang payat nito ngayon, “Matagal ko nang kilala si Sharlene. Nagtataka lang ako kung bakit sobrang konti lang niya kumain.
Alam kong pinaghihirapan niya ‘yan. Deserving naman na sabihin niyang ‘sexy naman ako,’” say ni Nash.
Actually, hindi pala sina Nash at Sharlene ang magbibida sa movie kaya lang ay sila ang nire-request ng fans kaya in-upgrade ang kanilang role to become lead roles.
Ibang-ibang movie ang “Class of 2018”. Hindi raw ito zombie movie.