Social media star Sitang may pasabog sa pagbisita sa Pinas

MADER SITANG

Nasa bansa ngayon ang Asia’s top transgender supermodel slash lawyer at Internet sensation ng Bangkok, Thailand, si Mader Sitang.

May pasiklab ngayong gabi (Oct. 20), 11 p.m. sa Fahrenheit Café, E. Rodriguez Sr., Ave, Quezon City at sa One 690 Entertainment, Roces Avenue, ng 12 midnight. Bukas (Oct. 21) ng gabi ay babalik uli siya sa One 690.

Yes, lulusob si Mader Sitang sa Manila para pasayahin ang kanyang Filipino fans. Siguradong mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves that will surely spell G-O-O-D V-I-B-E-S in striking, red BOLD letters.

Ang pinag-uusapang “Mader Sitang Manila Tour” phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines) founder at President na si Wilbert Tolentino.

“Prepare yourself for a wind blowing Sitang extravaganza!” promise ni Mr. Tolentino na isa ring LGBTQ influencer.

Read more...