Marlo ibinibigay sa tatay ang lahat ng talent fee

MARLO MORTEL

Masinop sa buhay ang singer-actor na si Marlo Mortel dahil lahat pala ng kinita niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz hanggang ngayon ay ibinibigay niya sa kanyang magulang.

Humihingi lang siya ng allowance niya para sa pang-araw-araw na gastos pero hindi pa rin niya ito nagagastos.

“Hindi kasi ako magastos, lahat ng damit at shoes ko, ex-deal o sponsors lang. Ang pinagkakagastusan ko lang ay sa family, kasi lahat ng suweldo ko eversince direkta ‘yun sa family ko, sa mommy at daddy ko, sila ‘yung nag-aasikaso ng allowance.

“Ngayon (matapos pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer) sa daddy ko pa rin, budgeted talaga ako. Pag lumalabas ako, ang laman ng wallet ko usually nasa 2 to 3,000 pesos at hindi naman nauubos ‘yun, pag kailangang may bilhin, doon lang. Panggastos o pangkain lang.

“Kaya nga nagtataka sila kung paano ko napagamot si Mommy na mag-isa lang ako, kasi lahat ng pera ko sa kanila lang nakaipon.

“Hindi ako maluho, sa toys lang, may collection ako ng action figures, Marvel, Spiderman ganu’n, maganda rin namang investment kasi nabebenta naman ‘yun, wala pa akong nabenta kasi bago pal ang akong nagko-collect,” paliwanag ni Marlo.

Ang pinakamahal daw na nabiling gamit ni Marlo mula sa kinita niya ay, “Car, pero kasi necessity na naman siya sa trabaho namin, tsaka cellphone. And siguro ‘yung action figure na Spiderman kasi sobrang fan ako kaya bumili ako worth P17,000.”

Ayaw nang pag-usapan ni Marlo ang tungkol sa inang namayapa na pero nalulungkot siya na hindi na mapapanood ng ina ang pangarap nilang dalawa na magkaroon siya ng concert.

Ang tinutukoy ni Marlo ay ang kanyang concert na “ImMORTELized” na gaganapin sa Music Museum sa Okt. 26.

“Ito ‘yung pangarap namin ni mommy, eh. sayang nga hindi na niya inabot kaya dine-dedicate ko ito sa kanya,” saad ng binatang singer.

Old soul daw si Marlo kaya pawang lumang kanta ang kakantahin niya na naging paborito noong 60’s, 70’s, 80’s at 90’s. Aniya, mas kumportable siyang kantahin ang mga old songs na kinalakihan na ri niya.

Makakasama ni Marlo sa “ImMORTELized” sina Sue Ramirez, Elisse Joson, John Roa at LA Santos. Si Adonis Tabanda ang musical director nito habang si Marvin Caldito ang stage director at sponsored ng Calayan Surgicentre at Megasoft.

Read more...