MAGPAPATUPAD ng water interruption ang water concessionaire na Manila Water sa ilang bahagi ng Commonwealth, Luzon, at Tandang Sora Avenue sa Quezon City, simula alas-6 ng gabi sa Lunes, Oktubre 22, hanggang alas-8 ng umaga sa Martes, Oktubre 23.
Inaasahang 44, 440 kabahayan at mga business establishment ang maapektuhan ng pagkawala ng tubig.
Kabilang sa mga maaapektuhang barangay ay:
- Old Balara
- Pasong Tamo
- Culiat
- Holy Spirit
- New Era
- Tandang Sora
- Sauyo.
Pinapayuhan ang mga apektadong lugar na mag-ipon ng tubig.
MOST READ
LATEST STORIES