Laos na ba ang LTO Law? | Bandera

Laos na ba ang LTO Law?

Ira Panganiban |October 19,2018
facebook
share this

Laos na ba ang LTO Law?

Ira Panganiban - October 19, 2018 - 12:10 AM

NITONG nakaraang linggo ay nagkagulo sa pagitan ng Land Transportation Office o LTO at mga may-ari ng 4×4 o off-road vehicles.

Ito ay dahil umano sa walang pakunda-ngang panghuhuli ng mga kagawad ng LTO sa mga off roaders na binago o modified ang ilang parte ng sasakyan nila tulad ng gulong, rims, bumpers, fenders at iba pa.

Ayon sa mga off roaders, walang sinasabi sa batas ng LTO na nagbabawal sa kanila palitan ang ilang bahagi ng kanilang sasakyan.

Subalit ayon sa LTO, malinaw na nakasaad sa Republic Act 4136, o ang batas na sumasakop sa lahat ng sasakyang panglupa, ang mga standards na dapat matron ang isang sasakyan o motor vehicle para ito maging street legal.

Dito na nagsimula ang kaguluhan dahil nagagalit ang mga may-ari ng off road vehicles na ayaw diumano sila payagan gamitin ang mga modified vehicles nila.

Subalit ang sagot ng LTO ay kaligtasan ng lahat ng nasa lansangan ang kanilang mandato at kung hindi mukhang safe ang isang modified na sasakyan ay trabaho nilang alisin ito sa lansangan.

Ang sa ganang akin sa isyung ito ay simple. Ang RA 4136 ay ginawa noong June 20, 1964 o luma at laos na ang batas na ito sa panahon ngayon.

Dapat siguro ay bisitahin na ito muli ng mga mambabatas natin upang madala sa modernong panahon ang mga probisyon ng batas na ito.

Dahil noong 1964, ang EDSA ay kalyeng lupa pa lamang, ang Pilipino ay wala pang 10
milyon at hindi pa siguro aabot sa isang libo ang kotse sa bansa.

Para sa komento o suhestiyon ay sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending