Rediscovering yourself

HELLO, Ateng Beth.

May problem po ako sa BF ko. Live in po kami, pero kakahiwalay lang namin three weeks ago.

Ako na ang umayaw kasi parang wala akong nakikitang magandang future sa kanya.

Five years na kaming magkasama pero sa five years na yon, parang ako lang ang nagpapatakbo sa relasyon namin.

Ako lahat ang nagpaplano, nagtatrabaho at nangangarap para sa aming future.

Masyado siyang dependent sa mga magulang niya. Lahat ng desisyon namin dapat may say ang nanay niya.

Mahal ko pa naman siya. Pero handa na ako mag move on. Anong dapat kong gawin?

Lissa

 

Hello din sa iyo, Lissa.

Hindi ko tiyak kung ano ang talagang tanong mo: “Ano’ng dapat kong gawin?”

Gawin saan? Hindi ba sabi mo iniwan mo na ang BF mo.

Hindi ba’t sinabi mo rin na handa ka nang mag move on?

So ano pa ang tinatanong mong dapat mong gawin, kung nagawa mo na ang dapat na gawin mo.

O baka naman naghahanap ka ng validation sa ginawa mong hakbang?

Ia-assume ko na lang na tinatanong mo kung ano ang gagawin mong pagmo-move on, dahil unang-una, naniniwala akong desidido ka na sa iyong ginawa.

Una, buuin mong muli ang sarili mo. For five years nabuhay ka para sa inyong dalawa. This time gawin mo para sa sarili mo lang. Mas magpaganda ka – sabi nila pag gumagawa daw ng drastic move ang isang babae, nagpapabago siya ng hair style – if you think that could help you sa bago mong paningin sa sarili mo, then get a new hair style. Splurge on your self in a salon.

Hair do, massage, mani, pedi – the works!

Secondly, rekindle your life long relationships – yung mga girl friends mong “napabayaan” mo dahil kay boypren, pagtatawagan mo at maki bond ulit sa kanila.

Mga kapatid at magulang na matagal mong di nakakasama sa pagkain o outing, this is the right time to make up for your lost time with them.

Being with good friends and families will help you put things into perspective.

Base sa mga nalaman mo at naramdaman sa mga mahal mo, i-assess mo ang sarili mo kung ano ang dapat mong gawin sa sarili at buhay mo.

Reading books and/or listening to inspirational messages can also help you move on.

Above all, rekindle your faith.

In your God. In others. In yourself.

Enjoy rediscovering yourself, girl!!

May problema ka ba sa mister o sa misis mo, sa BF or GF, o kaya kay BFF mo? Aba’y i-text na si Ateng Beth sa 09156414963, at tiyak na may sey siya riyan.

Read more...