Regine 3 agad ang show sa ABS; excited makatrabaho sina Sarah, Mega at Daniel

SARAH GERONIMO AT REGINE VELASQUEZ

Bukod sa ASAP, magkakaroon din ng sitcom sa ABS-CBN ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kasama ang kanyang asawang si Ogie Alcasid at si Ian Veneracion.

Sa 2-year-contract na pinirmahan ni Regine sa Kapamilya Network, tatlong regular show agad ang kanyang gagawin – ASAP, sitcom at ang reality singing search na Idol Philippines kung saan isa siya sa magiging judge.

“I am very happy. I am very excited. I am very overwhelmed. First, I am going to Australia for the ASAP, my very first appearance. Tapos meron akong pa-concert, then may sitcom kasama ang aking asawa and si Ian nga,” chika ng Songbird sa ginanap na bonggang mediacon para sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya station.

Excited na rin daw siya sa pagsisimula ng Idol Philippines (franchise ng reality show na American Idol) dahil first time raw siyang magiging hurado sa isang singing competition, sa GMA kasi siya ang laging host ng mga singing contest.

Ayon kay Regine, bukod dito, looking forward din siya na makatrabaho ang mga Kapamilya stars lalung-lalo na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera at Sarah Geronimo. Actually, matagal na niyang gustong makasama sa isang proyekto ang Pop Princess na itinuturing na rin niyang anak-anakan dahil sa kanya rin ito nagsimula (sa Star For A Night).

Viral ngayon ang litrato nina Regine at Sarah na kuha bago humarap sa entertainment media ang Songbird. Naka-post ito sa Instagram account ni @gerromeesguerra kung saan makikita silang magkayakap.

Dagdag pa ng Songbird, nais din niyang makatrabaho sa kahit anong proyekto ang King of Hearts na si Daniel Padilla. Bilib na bilib daw siya kay DJ.

“I was so impressed when he sang. I know him but I never knew that he could sing like that. He was so good at tsaka malanding mag-perform. Iba ‘yung appeal niya as a singer. He’s tall and he got his long legs.

Nakanganga talaga ako!

“I loved it. He’s so good. So, I wanna be able to work with him,” sey pa ni Regine.

Read more...