Nancy Binay nag-leave bilang UNA president sa harap ng away pamilya

NAGDESISYON si Sen. Nancy Binay na mag-leave bilang pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA) sa harap naman ng hidwaan sa pagitan ng kanyang mga kapatid na sina Makati City Mayor Abigail “Abby” Binay at dating mayor Junjun Binay.

“In light of recent developments within the party, I am taking a leave of absence effective today as President of the United Nationalist Alliance (UNA),” sabi ni Binay.

Kapwa tatakbo sina Abby at Junjun sa pagka-mayor ng Makati City.

“With my absence, I will be focusing more on my job as a senator and put all my efforts in advancing pending legislation in the 17th Congress,” ayon pa kay Binay.

Read more...