IDINAAN ng komedyanang si Ethel Booba sa joke ang pagbanat sa muling pagtakbo ni Bong Revilla sa Senado sa 2019 elections.
Nakapaghain ng certificate of candidacy (COC) ang dating senador sa Comelec sa pamamagitan ng asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado. Nakakulong pa rin ang aktor sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong plunder. Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa Sandiganbayan ang nasabing kaso.
Ipinost ni Ethel sa kanyang Twitter account ang video interview ng isang network kay Lani tungkol sa muling pagtakbo ni Bong na may mensaheng, “Kuha po kayo ng NBI Clearance sa counter 6. Charot!”
Sa reaksyon ng mga followers ng komedyana, ilan ang nagsabi na tama lang daw na kumuha ng NBI clearance ang mga kandidato sa susunod na eleksyon para malaman kung meron silang criminal liabilities. Ang ordinaryong tao raw kasi ay hindi nakakapasok ng anumang trabaho kung wala nito kaya dapat daw, lahat ng tatakbo sa 2019 ay may NBI clearance.
Ito ang komento ni @earnestviewer, “Correct! When ordinary mortals like ourselves are asked to get an NBI, police or barangay clearance before starting our first job, how come people who file CoCs inorder to run for public office are not?”
Sey naman ni @RicoinAsia, “You are right. Those running for national office should have one of those requirements that they were never indicted for any cases esp related to corruption.”
Reaksyon naman ni @hidingmartian, “Oo nga, dpat kpag mag apply din ng gnyan, kailangan ng NBI Police Brgy Clearance pati SSS PagIbig Philhealth…kapag mag apply ng trabaho sandamakmak hingin sayo…pero yan nakakulong puwede kahit wala ung tao. Pilipinas nga naman!”