Gaya sa jeepney, epektibo ang pagtataas ng pasahe 15 araw matapos na mailathala ang Order ng LTFRB sa pahayagan. Ang desisyon ay inilabas kahapon.
“In view of the foregoing and by virtue of Sec 16 (c) of the Public Services Act, as amended, and finding that public service and convenience will be best served, the Board hereby resolved to provisionally adjust the fare rates for buses,” saad ng desisyon ng LTFRB.
Ang mga airconditioned bus naman ay magiging P13 na ang minimum na pasahe mula sa P12. Hindi naman nagbago ang singil nito bawat kilometro matapos ang unang limang kilometro.
Ang mga ordinary provincial bus naman ay hindi nagbago ang minimum fare at nanatili sa P9. Pero mula sa P1.40 kada kilometro matapos ang unang limang kilometro ay itinaas sa P1.55 kaya mas malayo ang biyahe ay mas tataas ang pamasahe.
Ang mga regular airconditioned provincial bus naman ay maniningil na ng P1.75 kada kilometro mula sa P1.60.
Ang mga De Luxe aircon bus naman ay maniningil na ang P1.85 kada kilometor mula sa P1.70.
Ang mga Super De Luxe aircon bus ay magiging P1.95 kada kilometro na ang singil mula sa P1.80.
At ang Luxury aircon bus ay maniningil na ng P2.40 kada kilometro mula sa P2.25.
Ipinaalala naman ng LTFRB sa mga bus operator na ibigay ang 20 porsyentong discount sa mga senior citizen, taong may kapansanan at estudyante.