‘Greatest Love’ itinanghal na Best Drama Series sa Asian Academy Awards

Sylvia Sanchez


HINDI pa namin nakukunan ng reaksyon si Sylvia Sanchez sa pagkakapanalo ng teleseryeng The Greatest Love bilang Best Drama Series sa Asian Academy Awards.

Cannot be reached kasi ang aktres dahil kasalukuyan siyang nasa Cebu para sa shooting ng indie film na “When Sadness Lingers” kasama si Nonie Buencamino.

Kabilang ang TGL (entry ng Pilipinas) sa mga foreign series na lumaban sa Asian Academy Awards, tinalo nito ang entry ng Australia na A Place To Call Home (Foxtel); China, Burning Ice (IQIYI); Hongkong, My Very Short Marriage (HK Television); India, Sacred Games Season 1 (Phantom Films); Indonesia, The Publicist (Vlu Indonesia); Japan, Miss Sherlock (Hulu Japan); Korea, The Emperor: Owner of the Mask (Munhwa Broadcasting); Malaysia, Do(S)A (Astro); Singapore, The Teenage Psychic (HBO); Chinese Taipe, Wake Up Season 2 (Taiwan Public Television).

Sa darating na Disyembre ang awards night ng Asian Academy Awards bilang bahagi ng Singapore Media Festival.

Sinilip namin ang Facebook page ni Ibyang at puro pagbati naman ang nababasa namin mula sa mga naka-trabaho niya sa GMO unit sa pangunguna mismo ni Ms Ginny Monteagudo Ocampo.

Read more...