INAASAHAN na ni Carmina Villarroel ang pagkukumpara sa kanila ni Regine Velasquez kapag nagsimula na ang Sarap Di Ba?, ang kapalit ng iniwang weekly cooking-talk show ng Songbird na Sarap Diva.
Sa presscon ng Sarap Di Ba? kamakalawa ng gabi, natanong si Carmina kung ano ang reaksyon niya tungkol dito, “Let’s not compare because she’s the Songbird. And I’m just a frustrated singer. Ha-hahaha! Magkaiba kaming dalawa.”
Tinanong namin ang TV host-actress kung nagkausap ba sila ni Regine bago ito umalis sa GMA, “I heard na when she found out na ako yung susunod sa kanyang yapak bilang Songbird, ang alam ko, she was happy.
“Parang she wanted pa to endorse me. Nu’ng nalaman ko yun, awww! Very thankful naman ako. Kasi hindi naman kailangan, pero nag-offer siya. Hindi na nga lang nangyari kasi di na nga nangyari (ang pagkikita),” sey ni Carmina.
Anim na taong umere ang Sarap Diva ni Regine sa GMA tuwing Sabado bago mag-Eat Bulaga at si Carmina nga ang magiging kapalit ng Songbird kung saan makakasama pa niya ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Nagdesisyon na kasi si Regine na lisanin ang GMA at lumipat sa ABS-CBN.
In fairness, suportado naman ni Regine ang pagkakapili kay Carmina bilang host ng Sarap Di Ba?, sa katunayan ni-retweet pa nito ang promo material para sa nasabing show, “Ay, ang saya naman!” chika ni Carmina.
“Kasi makikita mo naman, siguro hindi naman sila nagkaroon ng masamang paghihiwalay, e. Labas naman ako du’n. So, hindi rin ako talaga makapag-react nang mabuti. You know, my heart is just so full. It’s just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine.
“Thank you dahil nire-retweet niya. Makikita mo rin naman talaga yung pagmamahal niya sa show. So I’m very thankful,” ani Mina.
Samantala, tinanong din namin si Carmina kung hindi ba sumama ang loob ng mister niyang si Zoren Legaspi dahil hindi siya isinama sa show? “Actually, sa totoo nga po, siya po talaga ang nagsabi sa akin na,
‘Hon, tanggapin mo na. Huwag ka nang mag-isip. Tanggapin mo na.’ So eto, tinanggap ko na. Masunurin naman ako.'”
“Tsaka, alam n’yo ‘yun, baka naman sabihin nila napakaganid na namin kung pati siya, e, kasama pa dito. Pero kung may budget pa, why not? Baka naman. Kasi mas masaya kung pamilya di ba? Pero sa ngayon, he’s just very thankful.”
Magsisimula na ang Sarap, ‘Di Ba? ngayong Sabado, Oct. 20, 10:45 a.m. sa GMA. According to Mina, this will be a platform for bridging gaps between the parents and children, they will show how family members can strengthen their relationship with each other.
Carmina, being the Gen X mom, will keep televiewers happily entertained as she tackles relatable and more dynamic topics about family, food and fun activities for everyone. The twins, being the Gen Z teens, will join their mom in the weekend morning chikahan about the latest trends in music, pop culture, fashion and technology.
Bukod diyan, mapapanood din sa programa ang adventures and misadventures nina Mavy at Cassy sa kanilang personal vlogs as they share what teens and children actually care about. The program will also be a platform for sharing experiences, no matter what age group you belong to. At siyempre, meron din inihanda ang mag-iina para sa mga tatay.
Learn new recipe ideas from Carmina and the twins while they share tips on parenting with their Kapuso celebrity guests.