INGGIT ang sinasabing dahilan ng hidwaan ng dalawang opisyal ng pamahalaan na nauwi sa pagbibitiw ng isang presidential appointee.
Ayon sa ating Cricket, na insecure si Usec kay Asec sa maraming bagay pero pinakamatindi rito ay ang pagiging malakas ni Asec sa pangulo.
Kahit ilang beses na sumabit si Asec sa maraming kontrobersya ay hindi siya kinakastigo ng big boss sa Malacanang.
Samantalang si Usec naman ay puro pa-cute lang ang alam ay hindi masyadong nabibigyan ng sapat na atensyon na kanyang hinahanap sa kanilang principal.
Sa naganap na budget deliberation sa Kamara ay mas lalong nakita ang pagiging insecure ni Usec kay Asec.
Lalo itong naging obvious nang ilang beses ma-bypass ang kanilang pondo dahil daw sa pagiging reckless ni Asec.
Para mawala ang problema ay kinausap ni Usec ang ilang mga Asec sa kanilang departamento para pumirma sa isang manifesto.
Laman ng sulat na nagkakasundo ang lahat ng mga Asec at Usec sa kagawaran na ipetisyon para sibakin ang partikular na Asec.
Natural na hindi pumayag sa panukala ang mga Asec na patalsikin ang kanilang kasamahan kaya walang nangyari sa manifesto na ginawa ni Usec.
Di nagtagal ay nag-resign na lang si Asec pero hindi dito natigil ang kwento dahil ipinagkalat naman ni Usec na hindi daw nagbitiw kundi sinibak ang opisyal na kanyang kinaiinggitan.
Kalaunan ay nagsalita ang Malacanang at sinabing nagresign nga at hindi sinibak si Asec.
Ang Usec na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Usec L…as Luntian.
Ang kanyang pinag-initan ay si Asec. M…as in Magnolia.