Kabaliktaran naman ito ng istilo ni Vice Ganda.
Sa maraming pagkakataon na napapanood namin siya sa It’s Showtime o maging sa Gandang Gabi Vice, madalas nitong ginagawang “reference” ang sarili sa mga anik-anik na karanasan sa buhay, galing man iyan sa pagiging dukha o struggling days nila sa pamilya o isyu ng kanyang sekswalidad.
Nu’ng minsang pinasalamatan niya ang isang Japanese na umano’y naging daan para makapag-aral siya at makapagtapos, marami ang natuwa sa kanyang pagiging humble at grateful.
Sa dalas din niyang gamiting halimbawa ang mga “past” experiences nila sa buhay habang nagpapatawa, mas nagiging totoo sa paningin ng mga tao si Vice Ganda.
Kaya nga nang papurihan niya nang wagas si Marian Rivera nang dumalaw ito sa last shooting day ng 2018 MMFF entry nila (with Dingdong Dantes and Richard Gutierrez), may ilang bumatikos at kumuwestyon sa loyalty nito kay Karylle na kasama at kaibigan niya sa Showtime.
Pero dedma lang si Vice, bagkus itinatawid pa nang bongga maging ang naging relasyon noon nina Karylle at Dingdong. Ha-hahahaha!
Nu’ng maging defensive naman siya sa pang-ookray ng ibang co-hosts niya linking him to PBA player Calvin Abueva, balitang na-bash siya ng mga supporter ng asawa ng player na napapabalitang nakikipaghiwalay na sa cager. Nitong huli, na-bash din siya dahil sa umano’y kawalan niya ng galang kay Sec. Harry Roque nang maging bisita niya ito sa GGV.
Sa lahat ng mga ito, matalino at sa nakakatawang pamamaraan nareresbakan ni Vice ang mga bashers, but never niyang dinenay ang mga isyu ng kanyang kabadingan, panloloko sa kanya ng mga lalaki at maging ang pagiging iritable niya sa mga kasama sa trabaho. Hashtag totoong tao!