Maymay bata pa lang palaban na sa rampahan: Sumasali ako kasi gipit! | Bandera

Maymay bata pa lang palaban na sa rampahan: Sumasali ako kasi gipit!

Ervin Santiago |October 17,2018
facebook
share this

Maymay bata pa lang palaban na sa rampahan: Sumasali ako kasi gipit!

Ervin Santiago - October 17, 2018 - 12:20 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

BATA pa lang ay talagang pinangarap na ni Maymay Entrata ang maging ramp model. Sa katunayan, ilang beses na siyang sumali noon sa modelling competition sa Davao.

Chika ni Maymay, ilan sa mga idolo niyany supermodel ay sina Tyra Banks at Carla Delevingne. “Isa talaga sa gusto ko yung fashion show kasi gusto ko yung feeling na nandu’n ako sa ramp. Nu’ng college kasi ako gipit ako eh, kahit talo ka may prize ka pa rin. Siguro nakapag-contest ako ng modeling tatlong beses,” aniya sa isang panayam.

“Lahat ng mga kasabay ko noon may mga own designer, may mga nag-te-train sa kanila. Ako YouTube lang tapos ginagaya ko talaga yung mga professional du’n. Du’n lang ako sa kuwarto, naglalakad-lakad. Hanggang sa masasanay ka na.

“Mas nakuha ko sa YouTube yung catwalk at lakas ng loob. Tapos inaaral ko rin yung training nila, yung mga interview nila, kung ano yung nasa utak nila. At saka yung look at attitude,” sey pa ni Maymay.
In fairness, kahit ang sikat na fashion designer na si Rajo Laurel ay napabilib ni Maymay at niyaya nga siyang rumampa sa kanyang upcoming fashion show.

“Ay oo, nabasa ko yun. Nakakapawis! Ha-hahaha! Hindi ko alam paano i-e-explain pero parang hindi ako makapaniwala. Kahit hindi pa niya ako tanungin o-oo ako du’n kasi si sir Rajo yun eh. Sino ba naman hihindi du’n. Gagawan ng paraan yung schedule. Pero isang araw lang naman yun,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Samantala, excited na rin sila ni Edward Barber sa upcoming Metro Manila Film Festival dahil kasama nga sila sa entry ni Vice Ganda na “Fantastica.”

“Sobrang excited na kami sa movie. First time namin sumali sa MMFF tapos kay Vice Ganda pa so bongga talaga. Happy, happy. Nakasakay na kami float sa homecoming ng PBB pero hindi sa film festival. Kaya excited na excited ako kasi nakikita ko dati sa TV sina Vice Ganda, ang daming tao. Tapos sobrang saya nila,” chika pa ng dalaga.

Inamin din ni Maymay na big fan siya ng MMFF, at kapag may mga artistang dadalaw sa lugar nila ay talagang sumusugod sila, “Kay FPJ (Fernando Poe, Jr.) pa lang nandu’n na kami. Sa Davao kasi laging may Kadayawan Festival so andun sila lahat.

“Sobrang saya at sobrang worth it kasi 5 a.m. nandu’n na kami, naghihintay na kami sa sobrang daming tao du’n. Sina FPJ, si Ms. Jolina (Magdangal) nakatirintas pa buhok niya nu’n st si Ms. Carmina (Villaroel) nakita ko din,” kuwento pa ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending