Bela rumesbak sa basher na tumawag sa kanya ng laos


Niresbakan naman ni Bela Padilla ang ilang haters na nagsabing laos na siya.

Ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng direct message sa kanya ng isang basher na nagsabing, “Magandang umaga Krista! Maganda ka pa sa umaga! Lmao sobrang laos na.

Hahaha. Hugot nalang Gsing ka na ba? Sa Katotohanan.” Ang real name ni Bela ay Krista Elyse Hidalgo Sullivan.

Resbak ng aktres sa basher, “STOP CREEPING INTO MY DM’s. STOP CALLING ME BY MY REAL NAME. STOP SENDING ME INAPPROPRIATE MESSAGES.”

Ipinagtanggol naman ng kanyang followers si Bela at sinabing hindi pa laos ang dalaga, at patunay daw diyan ang magkasunod na pelikulang ginawa niya kamakailan, ang “Meet Me In St. Gallen” at “The Day After Valentine’s.”

Read more...