Maja, Angelica: dedmahan daw ang drama?

MAJA SALVADOR AT ANGELICA PANGANIBAN

MISMONG si Maja Salvador na ang nagsabi na wala silang problema ni Angelica Panganiban at hindi totoong meron silang “silent war”.

May chika kasi na dedmahan ang drama nila matapos ibandera ni Angelica sa Gandang Gabi Vice na nag-break sila noon ni Carlo Aquino dahil gusto nitong ligawan si Maja.

“Wala kaming bad blood ni Papa (tawag niya kay Angelica), okay kami. Bago nga ilabas ‘yun nag-message-an kami, nagkapalitan kami ng text. She explained everything,” paliwanag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.

Ano naman ang naging reaksyon niya sa pamba-bash ng netizens matapos umamin si Angelica, “Bashers?

Hindi umeepekto sa akin ‘yung bashers. Hindi sila nag-e-exist sa mundo. Parang okay lang nasa free country tayo pwede nilang sabihin kung ano ang sasabihin nila. At the end of the day, ang importante kung paano mo kakilala ‘yung sarili mo.”

 

Read more...