Horoscope, October 17, 2018 | Bandera

Horoscope, October 17, 2018

Madam Sophia |October 17,2018
facebook
share this

Horoscope, October 17, 2018

Madam Sophia - October 17, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tama lang ang iyong ginagawa, ipaglaban mo ang lahat ng bagay na inaakala mong tama. Sa pag-ibig at pinansyal, basta’t magpakabait ka lang tuloy ang agos ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Gold at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Minsan kailangan mang-uto upang makuha ang iyong gusto. Sa pag-ibig, hayaan ang kasuyo ang magpasya sa mga bagay na may kaugnayan sa romansa. Sa pinansyal, lambingin ang kliyente upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 3, 15, 27, 35, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Beesa-Beeajaa-Om.” Blue at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mas masarap ang feeling kung lagi kang nakangiti. Haluan ng saya at harot ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, imbis na ang kasuyo ang laging nagpapatawa, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 21, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Hindi ka mauubusan ng pera, pero hindi mo naman dapat itong lustayin na lahat sa kaibigan. Sa pag-ibig, may darating muli upang magbalik, tanggapin mo na, baka magbago pa ang isip nya. Mapalad ang 1, 8, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om-Savitra.” Silver at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag kainggitan ang mga kaibigang umuunlad. Kung aalisin lang ang yabang sa katawan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, minsan hindi masamang sundin ang suwesyon ng kasuyong kuripot. Panahon na upang magtipid at paghandaan ang nalalapit na kapaskuhang darating. Mapalad ang 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhavantu-Madhu-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang makipagtransaksyon sa mga taong mahina ang utak, guguluhin ka lang nila. Sa pag-ibig, kalimutan na ang kasuyong mapagtanim ng galit at sama ng loob. Maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Aries. Mapalad ang 5, 19, 28, 32, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shava-Bhuva-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kapag ituring mong ito na ang huling araw, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang iyong produkto at serbisyo. Sa pag-ibig may isang regalo kang matatanggap na hinding-hindi mo makakalimutan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babatiin ko ang araw na itong puno ng pag-ibig ang aking puso!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang mamolitika. Sa pinansiyal, sa labas ng bahay mas marami ng pagkakataon upang kumita ng dagdag na salapi. Sa pag-ibig, pagdating ng gabi, yayain ang kasuyo na matulog kayo ng maaga. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shiri-Mantra-Yantra-Om.” Green at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mamigay ka, dahil ang iyong suwerte ay parang kamoteng baging, habang tinatalbusan lalong lumalago at lalong dumarami nang dumarami sa bawat araw. Sa pag-ibig, mamayang gabi bigyan ng big surprise ang kasuyo – bulagain siya ng isang matamis na halik sa labi! Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at red at buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-iwas sa lipunan mas malaking halaga ng salapi ang iyong matitipid. Imbis na makisawsaw sa mga isyu na may kaugnayan sa politika, mag-concentrate sa pamilya. Sa piling nila mas makadadama ng kumpletong ligaya. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vau-Weh.” Yellow at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig mas magiging maligaya kung hahaluan ng isip ang iyong pakikipagrelasyon. Sa pinansiyal, wag ubusing lahat ang ibinibigay ng kasuyo, magtabi ka para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 16, 23, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Kali-Japa-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi dapat panghinaan ng loob. Pagkakataon mo na upang magwagi. Tapang at lakas ng loob ang susi upang yumamaman. Sa pag-ibig, hindi masamang pumayag sa hinihingi ng kasuyo as long na doon kayo kapwa magiging masarap at maligaya. Mapalad ang 7, 8, 11, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raya-Om.” Red at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending