Marawi sa isip ng PSC | Bandera

Marawi sa isip ng PSC

Dennis Eroa |October 17,2018
facebook
share this

Marawi sa isip ng PSC

Dennis Eroa - October 17, 2018 - 12:15 AM

SARIWA pa sa ating alaala ang pagkadurog ng Marawi ngunit ang magandang balita ay hindi nakalilimot ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni William ‘‘Butch’’ Ramirez na tulungan ang siyudad na bumangon upang bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente.
Determinado ang PSC na magbigay ng pinansyal at teknikal na tulong upang ibalik o higit pang pagandahin ang Mindanao State University-Marawi City Track Oval. Pumirma sa memorandum of agreement sina Ramirez at ang pangulo ng MSU na si Dr. Habib Macaayong.
Malaking tulong ito sa pagbangon ng Marawi.
Ayon kay Ramirez nabuo ang ideya na makipagtulungan sa MSU matapos itatag ni Pangulong Duterte ang ‘‘Task Force Bangon Marawi’’ na nag-uutos sa PSC at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na suportahan ang rehabilitasyon ng Marawi.
Ang isports ay buhay at nararapat lamang na tukuyin ng PSC ang muling pagsasaayos ng track oval upang muling mabigyan ng pagkakataon ang mga atleta na makapagsanay.
Tiniyak ni Dr. Macaayong na bukas sa lahat ang track oval upang sindihan na rin ang ‘‘grassroots program’’ ng PSC.
Ngunit hindi lang nakapokus ang pansin ng PSC sa pisikal na anyo ng track oval ngunit higit sa lahat ay magtatayo ang ahensya sa MSU ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Regional Training Center upang makadiskubre ng mga bagong talento sa tulong ng matagumpay na Philippine Sports Institute sa pamamahala ng batikang si Marc Velasco.
Sa ilalim ni Ramirez na suportado ng kanyang mga commissioner na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin ay todo suporta ang PSC sa Mindanao. Noong nakaraang Hulyo ay ginanap ang ikatlong edisyon ng Children’s Games “Sports for Peace” program sa Iligan City na para sa mga bakwit mula sa Marawi.
Aprub!

PSC HALL OF FAME
Hindi nagkamali ang mga ginoo at ginang na nasa likod ng pagpili sa pinakabagong kasapi ng PSC Hall of Fame. Hindi naging madali ang pagpili sa 10 mga atletang umukit ng kasaysayan para sa bansa.
Pinamunuan ni Ramirez ang Selection and Screening Committee na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Philippine Olympic Commitee, Philippine Sports Association, Games and Amusements, Philippine Olympian Association at National Sports Association.
Tatanggap ng tig-P100,000 sina Lydia De Vega-Mercado, Lydia De Vega-Mercado, Ben Arda, Ambrosio Padilla and Loreto Carbonell, Filomeno Codiñera, Jr., Olivia “Bong” Coo, Lita dela Rosa, Erbito Salavarria at Josephine dela Viña.
Marami pang mga atleta, buhay man o patay, ang nararapat na makasama sa listahan. Ang payo ng Peks Man, huwag mainip sapagkat marami pang susunod na grupo. May limitasyon din naman ang bilang na kayang gawin ng PSC. Sabi nga ay ‘‘your time will come.’’
Ang induction ceremony ay gagawin sa Nobyembre 22 sa Philippine International Convention Center (PICC).

COACHES DYAKPOT
Dahil sila ang mga utak sa mga kahanga-hangang nagawa ng kani-kanilang mga atleta, nararapat lamang na bigyan ng pabuya ang mga coaches. Ito ay nasa batas at bahagi rin ng tungkulin ng Philippine Sports Commission.
Simple ngunit makahulugan ang seremonya ng bigayan na ginawa sa Rizal Memorial Sports Complex at tulad ng inaasahan kumapal ang pitaka nina golfing coach Jess Zaragoza na nakakuha ng tumataginting na P1.666 milyon matapos guminto si Yuka Saso sa indibidwal na sagupaan at mag-kampeon ang Pilipinas sa team competition. May P333,333 na nakuha si Carito Villaroman na katulong ni Zaragoza sa coaching.
Instant milyonaryo rin sina Daniel Bautista ng skateboarding at Antonio Agustin Jr. ng weightlifting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending