Erap: Hindi ako inimbitahan ni JV sa paghahain ng COC

SINABI ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na hindi ipinaalam sa kanya ng kanyang anak na si reelectionist-Sen. JV Ejercito, na maghahain na siya ng  certificate of candidacy (COC), kahapon.

“Hindi ko alam e. He did not inform me. Hindi n’ya ko inimbita,” sabi ni Estrada matapos namang samahan ang isa pang anak na si dating senador Jinggoy Estrada sa paghahain ng kanyang COC.

Idinagdag ni Estrada na maghapon lamang siyang nasa City Hall.

“Anak ko siya. Hindi nagbabago yun,” sabi ni Estrada kaugnay ng relasyon niya kay Ejercito.

Idinagdag ni Estrada na malaya si JV na lumipat ng ibang partido.“Nasa kanya ‘yun. It’s a free country. Do whatever you want,” dagdag ni Estrada matapos namang lumipat si Ejercito sa Nationalist People’s Coalition (NPC) mula sa partido ng kanyang amang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP).

Read more...